Mga kumukinding na mga paa na nagpapahiwatig na ang mga partisipante ng SPA ay handang-handa na sa gagawing “Basic Acting Workshop” na pinangungunahan ni Mr. Gervin L. Acedre.
Una’y ipinakilala ni Sir Gervin ang kanyang sarili pagkatapos ay pinangkat kami para sa isang aktibidadis na naglalarawan sa aming ekspektasyon sa kanya. Sa unang Gawain na pinagawa niya ay hindi masyadong nagalakan si Sir Gervin dahilan n gaming mga negatibong ekspektasyon pero ang lahat daw ng iyon ay maitatama, sa aming pagsasama.
![]() |
| Leslie Ann Baldoza enjoying the group activity as part of the workshop. |
![]() |
| The whole Special Program in the Arts at the end of the day! |
![]() |
| Working together as team on the next thing to happen... |
Pangalawa’y naghawak kamay kaming lahat na mga partisipante kasama an gaming mga guro sa SPA at bumuo ng hugis bilog. Larong hindi dapat makapasok ang mga facilitator na sina Ate Cath, KC, Tresh, at si kuya Dex. Ang larong iyon ang sumubok sa amin kung gaano kaming natitiwala sa isa’t isa, kung may pagkakaisa. Nabigo kami dahil ang iba ay hindi na nakatiis at unti-unting nagsibitawan.
Pangatlo, hiniwalay na ni Sir Gervin ang mga kababaihan sa mga kalalakihan at pumili ng mga dapat mamuno sa bawat silid. Sinabi ni Sir Gervin ang mga dapat at hindi dapat gawin, isa na diyan ang bawal ng lumabas at dapat tulog na ang lahat pagpatak ng 11:00pm at sinumang lalabag ditto ay may nararapat na parusa kasama ang mga facilitators na nagsisilbing police sa mga oras na iyon, at pagkatapos noon ay nagpaalam na ang lahat kay Sir Gervin at nagsipunta na sa kani-kanilang ninakdang silid na tutulogan. Nag ayos ng aming mga gamit, naglinis ng mga sarili, at naghanda ng aminh mga higaan para sa aming pagtulog.
Sa unang gabi na pagtulog naming dito sa paaralan ay sobrang kabado ang ilan sa amin dahilan ng mga sabi-sabi ng iba tungkol sa mga naglilitawang mga multo dito sa paaralan. Sa gabing din iyon ay lahat kami ay sobrang naiinip, at nanibago dahil syempre wala sa aming mga tabi ang aming mga mahal na magulang. Pagtungtung ng 11:30 ng gabi ay naglibot ang mga facilitator ng bawat silid.
Sa gabing iyon ay may nagawa kaming kasalanan dahil lahat ay hindi na makatulog kaya nang mga oras na nasa silid an gaming facilitator ay nagtulog-tulogan lang kami dahil syempre takot kaming maparusahan kinaumagahan. Sino ba naman ang may gusting maparusahan, diba? Makalipas ang ilang minute ay umalis na ang mga facilitator at natulog na. ang lahat at nagsibalikan na sa kanilang mga ginangawa maynagutom at kumain, may nagkwentuhan at kung ano-ano pa. At nang huli ay napagsunduan naming lahat na matulog na ng sapilitan pagkat alam naming kailangan talaga naming ng enerhiyang gagamitin para sa aming mga gagawin bukas.
Kinaumagahan, ikalawang araw n gaming workshop ay gulat ang lahat sa balitang may lumabag sa batas ng unang gabi naming doon at dapat parusahan. At sila ang panamagatang “dalawang alibangbang” sa aming workshop. Sila ay sina Dave at Mario Niel, parehong mga 1st year students ng SPA. Nag exercise kami at pagkatapos noon ay pinarusahan na ang dalawang iyon pati na ang leader ng kanilang sub-camp at ang boung grupo na rin nilang. Pagkat hindi daw nila nagawang pigilan ang dalawa sa paglabas nggabing din iyon. Syempre nakadama kami ng awa para sa kanila, pero wala ka ming nagawa pagkat iyon ang nararapat para sa sinu mang lumabag sa mga batas sa mga araw ng gaming workshop.
Pagkatapos ay nagbigay ng sapat na oras si Sir Gervin upang kami ay makapag kain, makapag linis n gaming mga katawan at kung ano-ano pang personal hygiene naming na dapat gawin. Ilang oras ang nakalipas ay nagtipon na ang lahat para sa gagawing activity sa araw na iyon. Pinangkat kami sa tatlo at pinagawa kami ng palabas na pinangalanang “Aragoy Aragay.” Binigyan din kami ng sapat na oras sa pag-iisip ng konsepto at paghahanda kung paano naming ito ipapalabas. Hirap kaming mag baguhan dahil para sa amin ang 30 minutes ay hindi sappat, hindi naming lubos na alam ung paano naming imamanage an gaming oras. Sa mga oras na iyon ay hindi na kami halos magka sundo-sundo ng aking mga kasamahan, iba-iba kasi ang gusto naming lahat. Makalipas ng 20 minutes ay napasabi si Sir Gervin na ang gagawin naming ito ay paligsahan, at kung sinung grupo man ang mayroong pinakapangit na palabas ay makakatanggap ng parusa. Iyon ang nagtulak sa amin na magkaisa at porsigehin an gaming ginagawa, at pilitin an gaming mga sarili na ito ay para rin sa aming lahat. Sa mga oras na ipapalabas na naming iyon ay nakadama kami ng pagka kaba, alam naming kasing lahat kami ay nahihirapan sa kanya-kanyang mga role pero kinaya naming. Sa aming palabas ay natutunan kong magsakripisyo para sa lahat ng aking mga kasamahan.. at sa hindi inaasahan ay kami ang nanalo sa paligsahang ito. Hindi sa lahat ng bagay ay ang gsto na lamang ng iyong sarili ang sususndin mo, kailangang matutunan mo ring pakinggan ang gusto ng iba at magkaisa upang makamit ang tagumpay.
Kinagabihan ay sinubok ang aming kakayahan kakayahan sa pag-arte sa mga iba-ibang pangyayari. Iyon ang hindi ko makakalimutang parte n gaming workshop. Halos nasabi ko na sa aking sarili na, “Mapuli na lang ko ah! Indi ko ni yah kaya!” Pero sa gabing iyon ay halos ipalabas sa amin ni Sir Gervin ang lahat naming mga emosyon, pagkat alam niyang lahat kami ay may kakayahan talaga sa pag arte. At hindi ako nabigo pagkat nakaya ko rin ang pagsubok na iyon. Matapos nun ay nagsipagtulog na kaming lahat, pagkat lahat kami ay pagod na sa pag-iyak.
Sa huling araw na n gaming workshop ay pinangkat kami na naman kami sa para sa isa naming Gawain. Iyon ay ang Love Story, Comedy, at Horror. At lahat kami ay nagtagumpay sa Gawain naming iyon. Napaiyak na kami sa mga oras na sinabi ni Sir Gervin na sa hapong iyon ay uuwi na kami. Pagkatapos ng mga gawain naming iyon ay muli kaming binigyan ng mga Gawain upang aming mapaghandaan at ipapalabas sa aming paaralan, at sa darating na palabas na iyon ay nandiyan ang lahat ng mga estudyante ng aming paaralan manonood kasama n gaming mga magulang.
![]() |
| KINESICA IN VERBUM: Ang kulminasyon ng workshop ay nagpatuloy kahit na umulan...masaya at pulido ang trabaho ng lahat na nainvolved! |
Sa oras na n gaming pamamaalam at pagtatapos ng aming workshop ay isa-isa kaming tinanong kung ano ang aming nadama ng matapos namin lahat na ipinagawa sa amin at kung ano ang masasabi naming kay Sir Gervin. Kanya-kanya rin kaming pasasalamat kay Sir Gervin. Kahit masakit at labag minsan sa aming kalooban ang kanyang mga pinagagawa ay alam naming may mabuti itong maidudulot sa amin balang araw. At sa mga araw na naghirap kami, sa mga pagkakataong nagsakripisyo kami ay hindi kami nagsisisi pagkat lahat ng ito ay may magandang maidudulot sa amin, hindi makukuha ng kahit sinu man, kami ang nakakaalam, pagkat sa amin lamang.





